Saturday, March 26, 2011

an expected call

from my post sa tumblr ko :

ATTTT~ tumawag nga SYA. Sinasabi ko na nga ba tatawag yun eh,hindi talaga ako nagcharge ng phone kasi alam kong tatawag sya,lakas ng paniniwala eh. Excited na excited ang mokong,nagsnow daw kasi ngayon sa Korea at gagala sila ng 엄마 nya sa Saturday. Edi sila na. HAHAHAH.

Nawala ang antok ko pero ayos lang.
Kinakabahan nga lang ako. May ipopost daw sya sa FB nya,icheck ko daw yun paggising ko tapos wag daw ako magagalit at wag ko daw sya i-unfriend or else papatayin nya ako pagbalik nya. HALA! ano na naman kaya yun. T.T

with love,Lileth


So noong nakaraang March 25,2011 umalis na sya papuntang Korea. Bago yun(March 24,2011),nakita ko sya sa school. Yun talaga ang plano ko nun,makita manlang sya bago sya umalis,halos ilang beses din kaming nagkatagpo ng hindi inaasahan,napakasaya ko. HAHA.

Hindi na kami magkatext bago ang araw na yun,hindi na kami nagkakamustahan pero sa loob loob ko umaasa ako na tatawag sya sa akin BAGO manlang sya umalis,yung mala telenobela style, lahat ng pwedeng mangyari nagawa at nasa isip ko na...

Lobat na ang cellphone ko nung panahon na yun, isang bar na lamang. Nagtatalo ang isip ko kung magcha-charge ba ako o hindi, sira na ang charger ko at ang ginagamit ko na lamang ay yung universal charger na kinakailangan mong tanggalin sa mobile body ang battery. Naisip ko,baka bigla syang tumawag at patay ang cellphone ko,sayang ang pagkakataon kaya naman hinyaan ko na lamang syang isa ang bar. PERO hindi sya tumawag,hanggang maisipan ko nang matulog... 10:54PM nun... medyo nalulungkot akong natulog,naisip ko na paalis na nga sya hindi pa din ba nya ako ite-text manlang?

Naalimpungatan ako ng bandang 12:38,tinignan ko ang cellphone ko at nakita ko na may isang mensahe mula sa KANYA. Nagpapaalam sa lahat ng bestfriends nya, mami-miss nya daw lahat at babalik sya sa May. Okay, naisip ko. Makatulog na lamag ulit, 20 minutes na lamang kasi at paalis na sya,baka naman text lang talaga ang matatanggap kong pamamaalam mula sa lalaking gusto ko. Pero mali, dahil nung 12:40AM na biglang nagring ang cellphone ko, yung ringtone na para lamang sa kanya, yung ringtone na naka-assign para sa kanya upang alam ko na agad na sya ang tumatawag, aware ako dun, pero ayaw kong maniwala, mga 20 seconds ko ding tinitigan ang phone monitor ko bago magsink-in na sya nga ang tumatawag. Syempre sinagot ko. Hindi ko na maalala lahat ng pinag-usapan namin. Nagpaalam sya. Sabi nya babalik sya sa May, iba sa sinabi nya nung nagkita kami sa school na hindi na sya babalik pa. Napakasaya ko. Tumwag sya. Tama ang hinala ko. 20 minutes din kaming nag-usap, sabi nya delayed daw yung flight nila ng isang oras, pero maya-maya habang naguusap kami may announcement syang narinig at 15 minutes lang daw delayed yung flight. Sinabi nga nya na may ipo-post syang status sa facebook nya pagdating nya sa Korea, basahin ko daw at kung anuman yun, wag ko sya ULIT i-unfriend kung hindi papatayin nya ako. Sinabi ko na hindi nya kaya yun, sabi nya after 2 months, kaya nya na yun kasi babalik nga sya, sinabi ko naman na hindi nya na ako makikita kasi malamang wala na ako pagbalik nya(umaasa akong makakapagOJT sa Singapore,bakit ba?) at ang tanging sagot nya lang "SHUT UP!". Haha. Nagpaalam sya ulit. Sinabi nya na tumawag ang nanay nya at sinabing nage-snow noon sa Korea, excited sya, namiss daw nya ang snow. Alam ko may gala sila ngayong Sabado eh, pupunta sila sa isang ski resort.

Alam ko masaya sya. Alam ko hindi manlang ako sumasagi sa isip nya ngayon. Samantalaga ako, sya ang naiisip ko. Napaka-unfair. Miss ko na ang mokong na yun. Alam ko na mali, alam ko na hindi tama, alam ko na napapalungkot lamang ako lalo dahil sa pagiisip sa kanya pero napapasya din naman ako kahit paano. D:

Bakit nya ako tinawagan kasi? Bakit nung mismong paalis na sya tumawag sa akin,as in pasakay na sya. Medyo kinikilig akong isipin na gusto nya akong makausap na huli bago sya umalis,pero alam ko na may iba lamang kasi syang kausap bago sya tumawag sa akin. Haha. Huling tawag FTW!

Ang lakas ng tama eh ano?


with love,Lileth

No comments:

Post a Comment