Wednesday, March 23, 2011

I'm not rich!

I AM NOT!

So nitong nakaraan,lahat halos ng kaibigan ko o nakakakilala sa akin ay palaging sinasabi na "ang yaman mo" or "libre mo?" o di kaya "nakakahiya ngang sumama sayo eh. hindi mo kami kalevel" and stuffs like that. Hindi ko lang maintindihan kung bakit. Hindi naman ako mayaman,ni wala nga akong ipon o kahit bank account man lang. Naisip ko din tuloy,baka naman sa kinikilos ko? Baka dahil ako yung klase ng tao na ayaw ng matagal na usapan, at oo,maniwala ka man o hindi may koneksyon yan sa sinasabi ko.

Kahit naman dati naririnig ko na yan sa mga kakilala ko pero binabalewala ko lang kasi alam kong alam nila na hindi naman totoo yun,dahil kilala nila ang pamilya ko,pero yung mga nagsasabi nyan ngayon,parang seryoso sila kapag binibitawan nila yun lalo pa't hindi naman nila kilala ang pamilya na kinabibilangan ko. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila na hindi naman totoo yun? Papaniwalaan ba nila ako? Nakakahiya kasi na baka may makabasa or makarinig na nakakakilala sa akin. :| Pero bahala sila,basta alam kong hindi naman totoo.

Aminado naman ako na medyo spoiled ako. Nakukuha ko ang ibang bagay na gusto ko,agad. Yun ang isa sa mga iniisip kong dahilan kaya nila nasasabi yun. Pero basehan na ba yun para ipagkalandakan nila at humiling sila na manlibre ako? Saan naman ako kukuha ng pera na panlibre sa kanila eh ako nga walang pambili ng bagong pabango ko. Basehan na din ba ngayon ng pagiging mayaman ng isang tao kung nakakapasok at nakakabili sya ng kape sa STARBUCKS? Anong magagawa ko kung naa-adik ako sa GREEN TEA FRAPPE at sa B.PIE nila at natutuwa akong tumambay at panoorin ang iba't-ibang klase ng tao sa store? Para sa akin,hindi,nagkataon lamang na marunong akong dumiskarte at magbudget ng pera ko. HAHA. Bukod pa sa mabait ang magulang ko at alam nilang bata lamang ako na may mga gusto ding bilhin at gawin.

Medyo nabo-bother lamang talaga ako sa issue na ito kaya ko nai-BLOG. Gusto ko silang tanungin kung bakit nila nasabi yun? Sinabi ko ba sa kanila at some point or what? Sana maliwanagan sila at tigilan na ang pagsabi sa akin nun... Dahil sa totoo lamang, gusto kong mangutang sa kanila. HAHAHAHA. Joke!

So ang gusto ko lamang naman sabihin...

HINDI AKO MAYAMAN, MAYABANG LAMANG AKO at nagkataong MAYABANG din ang TATAY KO. :D JK!

with love,Lileth

No comments:

Post a Comment