Monday, July 16, 2012

Just something I need to say.

Tinatry kong labanan. Lasing ako ngayon, iba ang takbo ng utak ko. Tinatry kong labanan lahat ng nararamdaman ko para sayo. Palagi kong sinasabi sa mga taong nakakaalam ng lahat na WALA NA, NAKAMOVE ON na ako. Pero paano ko ba papatunayan sa sarili ko na yun lang talaga ang nararamdaman ko? Paano ko pa iiwasan eh yung taong pinakamalapit sa atin, naaamoy at alam na din ang nararamdaman ko... :\

Alam ko na alam mo na din naman. Tao ka, nararamdaman mo yun. Kung nararamdaman ng mga kaibigan natin, mas lalo ka na, pwera na lang kung talagang manhid ka. Nakaka-inis lang dahil hindi naman dapat na ganito ang nangyayari. Dapat katulad lang ng dati ang lahat pero ano ba? Napakatanga ko yata talaga. Punyeta.

Gusto kong batukan ang sarili ko. Gusto ko nang magising sa kalokohan na ito. Sana mautog ako o kaya magising ako isang araw na tapos na lahat, wala na. Tulungan mo din naman kasi ako. Pakiusap. Pwede bang wag mo muna ako itext or tawagan? Kunyari na lang hindi tayo magkakilalang dalawa. Kunyari lahat ito panaginip lang. Pakiusap naman. Hayaan mo munang maging tino ako ulit. Hayaan mo munang maging normal ako, pagkatapos nun, promise, kakausapin kita ng normal, yung Beth na kilala nyo. Yung Beth na dapat eh ako. Sa totoo lang hindi kasi ako ang Beth na yun ngayon eh. May masamang hangin yata na pumasok sa katauhan ko. Ewan ko ba.

Iba-iba din kasi ang naiisip ko na paraan para mawala ang nararamdaman ko sayo at maiwasan ka. Masasamang paraan. Mga paraan na weird. Mga paraan na alam ko naman na masasaktan lang din ako. Pero bakit lahat yun parang napakagandang ideya? Bakit pati pagpapalit ng cellphone number na importante dahil yun ang number na nakasulat sa lahat ng resumes' ko eh parang napakadaling gawin? Gago ko kasi. Mukha akong tanga.

Tangina. Napakahirap pala talaga ng ganito. Dati tinatawanan ko lang ang mga taong nagkukwento sa akin ng ganito eh. Pakiramdam ko napaka-estupido ng mga problema nila.

Konting tampo mo lang, ayan ako si TANGA na tatakbo agad sayo. Kahit pa magkanda sugat sugat ako at madapa. Kahit pa magmukha akong gago sa mga nakakakita at nakakapansin, dedma lang basta masaya ka, basta alam kong okay tayo. Punyeta ka!!! Punyetang pagmamahal yan. Punyetang pagkakaibigan yan. Punyetang mundo ito.

Pakigising nga ako!!! Kailangang kailangan ko nang magising sa magulo at nakakagimbal na panaginip na ito...

No comments:

Post a Comment