Wala na akong energy. Mula July 1 hanggang ngayon, wala pa akong matinong tulog. Nakakapagod, para na akong lumilipad pero napakasaya ko kaya dedma lang.
July 1, sinalubong namin ng ilan sa mga kaibigan ko ang birthday ko. Sobrang saya. Halos maiyak ako dahil for the first time, may kasama akong sumalubong ng birthday ko. Normally, wala akong pakialam kung birthday ko na pero dahil sa kanila, sobrang naappreciate ko na ang ganun. J and Kuya R even surprised me kasi binilhan nila ako ng ice cream. Actually, sila sumagot sa lahat ng gastusin nung gabing yun dahil wala talaga akong pera that time (grounded ako actually and hindi ako binibigyan ng pera ng parents ko noon). Napakasaya ko noon pero mukha daw akong malungkot the whole time kaya nagaalala sila sa akin. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko ba ieexpress yung nararamdaman ko. Sobrang sobra na sila. Hahahaha. Also - kung nakakapunta kayo sa Starbucks sa Magallanes Square/Tagaytay, makikita nyo ang masterpiece ng mga friends ko, at ako na din, kami nagdrawing nung green tea cake na nasa board chuchu nila doon. Hahaha. Nung pauwi na kami, naglibre pa si O ng tapsilog, pero dahil hindi na ako kumakain ng normal na rice (4 days na today!!! lol), nag-goto na lang ako (salamat O. I owe you one bro). What a great way na salubungin ang birthday ko, diba? :)
July 2, late na ako nagising. Maghapon lang akong nasa bahay dahil wala naman akong plano, bilang wala nga akong pera. Maghapon din akong inasar ng mga kapatid ko. Nagluto pa si Kuya Joe ng champorado at inasar ako na yun lang daw ang handa ko. Pero dahil napakasaya ko, dedma lang. Ako din sumundo sa Nanay ko sa store namin, pagdating ko doon napakadaming pagbati ang natanggap ko (salamat sa inyong lahat. salamat din sa mga nagtext at nagmessage sa fb. baka sakaling mabasa nyo). Kinuwento ko kay Nanay kung anong nangyari nung gabi, natuwa din si Nanay. Bumili kami ng 2 bilao ng pancit tapos dinala ko kena L ang isa at doon ako nagcelebrate ulit. Dumating ang mga kaibigan ko, ako pa ang isusurprise nila pero mas nasurprise sila dahil wala ako sa bahay nung dumating sila. Hahahaha. Nagpunta kami sa Tagaytay para kumain since walang pagkain sa bahay na, sa Mushroom Burger kami kumain since late na nun and sarado na halos lahat ng kainan, or at least yun ang gusto kong isipin. Haha. Good thing doon kami nagpunta, 2 groups of customers lang kami doon and when my friends brought out yung cake, nalaman ng lahat na birthday ko so nakikanta din sila. Swerte pa na andun ang owner ng MB, niregaluhan nya ako ng something from the store (Thank you Sir). After namin sa MB, sinundo namin si J sa kanila, bumili ng ilang alak and umuwi sa Alfonso para magcelebrate. Nakakapagod na gabi. Kuya R and I went back pa sa Tagaytay ulit kasi wala na kaming mabilhan ng ice sa Alfonso. Hanggang 9am kami sa bahay nina Kuya R dahil doon kami uminom. Napakasaya. Iba sya!!!
July 3, umuwi lang kami ni Liez sa bahay namin para maligo tapos dumiretso na kami sa SM. Manonood sana kami ng Spiderman pero dahil di ko naman feel manood ng sine, naggala na lang kami ni Liez at hinayaan sina L at O na manood. Tamang tawanan, kwentuhan at kantahan kaming dalawa. Ang lakas pa ng tama namin kasi wala kaming tulog, galing sa inuman at may nakwento kasi ako sa kanya. Hahahaha. Letse talaga pero napakasaya pa din.
Now, kakarating ko lang sa bahay. Galit sa akin sina Nanay at Ama dahil hindi ako umuwi kahapon pero wala akong pakialam. Napakasaya ko. Lumilipad pa ako hanggang ngayon, hindi dahil sa nag-adik ako kundi dahil sa sobrang love na natanggap ko nitong nakaraang araw. Hindi ko alam kung paano ko susuklian o papasalamatan manlang lahat ng taong naging bahagi ng kaarawan ko pero alam kong alam nila na mahal na mahal ko sila. Haha. Ang cheesy pero totoo!!!
Happy Birthday to me. :)
No comments:
Post a Comment