alam mo yung tuwang-tuwa ka dahil may isang prof mo na tinatawag ka sa palayaw mo. sya lang yata ang prof ko na tumatawag sa akin ng "Lileth". hindi naman sa gusto kong tawagin ako ng lahat nyan pero dahil sobrang taas ng respeto ko sa taong ito at natutuwa ako talagang malaman na yan ang tawag nya sa akin, hindi ba kapag komportable ka na sa isang tao sa palayaw mo sya tinatawag? :3
ako yung tao na kapag mataas respeto ko sayo, sayo ako pinakatakot, or lahat ba ng tao ganun? hmmm? :/ at oo, medyo takot ako talaga sa kanya. palagi kong iniisip kung ano kayang iniisip nya kapag nakikita nya ako, kung nagagalit ba sya sa sinasabi ko o anu pa man. kung tumatak ba ako sa kanya bilang mabuti o masamang tao.
masasabing kong isa si Ma'am Lala sa mga taong sobrang taas ng tingin ko. napakagaling na prof at napakabuting tao. :3 naalala ko yung napag-usapan namin nung isa kong kaibigan tungkol kay Ma'am. sabi namin, si Ma'am yung klase ng prof na kahit anong ituro nya sayo matututunan mo agad, na ang ganda ni Ma'am at mas lalo syang gumaganda kasi ang bait nya. sa kanya ko napatunayan yung, kapag maganda or mabait ka, lalo kang gaganda sa panlabas na kaanyuan mo. naks. lalim. pero hindi nga, seryoso. :3
salamat Ma'am, at Happy Birthday ulit :3
with love,Lileth
No comments:
Post a Comment